Make a donation


Apoio pré-natal e pós-natal
para mulheres estrangeiras que vivem no Japão
e cuidados infantis multiculturais


MGA KAPAKI-PAKINABANG NA SALITA PARA SA MATERNITY CHECK-UP

Ginawa ang “Communication Notebook” upang magawang makipag-usap sa mga kawaning medikal sa panahon ng pagpapa- check-up bago manganak.

Ang mga miyembro ng Mother’s Tree Japan at ilang mga kamadrona (midwife) ay gumawa ng Communication Notebook na ito upang maiwasan ang maliliit na problema sa panahon ng pagbubuntis para sa mga banyagang kababaihan (hindi Hapon). Maaaring kabilang sa mga problemang ito ang matanggihan ng konsultasyon dahil hindi sila marunong magsalita ng Hapon, o hindi nila maipaalam ang ibig nilang sabihin sa mga kawaning medikal.
Ang Bersyong Pang-ospital ng Communication Notebook ay dapat ibigay sa mga kawaning medikal para sa kanilang paggamit.

dDownload (para sa mga ospital)

Ang Communication Notebook para sa mga ina ay dinisenyo upang magawang ituro ang nais na sabihin sa mga kawani, o magsanay sa pagbigkas ng mga salita sa wikang Hapon sa mga kawaning medikal.

Download (para sa mga ina)

Ang lahat ng miyembro ng Mother’s Tree Japan ay nagnanais sa inyo ng isang ligtas at kumpurtableng pagbubuntis sa Japan, sa pamamagitan ng paggamit ng Communication Notebook na ito.

Pagtangkilik

Dormant deposit utilization project
Welfare And Medical Service Agency (WAM) (Social welfare promotion subsidy business)

Mga kumpanyang nag-sponsor

Interculture Art Inc.
Hannan Chuo Hospital
Shops recommended for foreign pregnant women and mothers raising children
Goody4Mommy
SDGs未来都市豊島区
Mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin sa LINE